Super Health Center, itatayo sa Biliran City

Super Health Center, itatayo sa Biliran City

NAGING matagumpay ang isinagawang groundbreaking ng itatayong Super Health Center (SHC) sa bayan ng Biliran noong Oktubre 17.

Pinuri at pinasalamatan ni Sen. Bong Go, Chair ng Senate Committee on Health, ang Department of Health at ang lokal na pamahalaan ng Biliran, kabilang sina Biliran Mayor Myra Cabrales at Congressman Gerry Boy Espina.

Ang pagpapatayo ng SHC sa buong bansa ay isa sa mga inisyatiba ni Sen. Go para mapalakas ang ating healthcare system, at maihatid maging sa pinakamalalayong komunidad ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Paliwanag niya ukol sa importansya ng SHC,

“Ano po itong Super Health Center? It’s a medium type of a polyclinic. Pwede po diyan ‘yung panganganak, dental, laboratory, X-Ray, pagpapabakuna. Alam n’yo naisipan ko po ‘yang Super Health Center noong 2021. Sa kakaikot ko po ng buong Pilipinas, ‘yung mga may sakit, ang layo ng biyahe, ‘yung mga buntis nanganganak na lang sa tricycle o sa jeepney dahil malalayo ang hospital. Ngayon po, magkakaroon na kayo ng sarili ninyong health center. Pwede na po diyan ‘yung panganganak, pagkonsulta, at iba pa,” ayon kay Sen. Christopher “Bong” Go.

 “Sa ating pakikipagtulungan sa DOH, LGUs at mga kapwa natin mambabatas, magkakaroon po ng 307 Super Health Center sa year 2022 at 322 na Super Health Center sa year 2023 sa buong Pilipinas. Marami pa po ’yan sa buong Pilipinas, nakakalat po ‘yan sa mga strategic areas as identified by DOH,” aniya.

Follow SMNI NEWS on Twitter