Super Health Center, itatayo sa Kawit, Cavite; Groundbreaking ceremony, pinangunahan ni Sen. Go

Super Health Center, itatayo sa Kawit, Cavite; Groundbreaking ceremony, pinangunahan ni Sen. Go

PERSONAL na dinaluhan ni Senator Christopher “Bong” Go ang groundbreaking ng Super Health Center sa Gregoria Street Brgy. Tabon 2, Kawit, Cavite nitong araw ng Miyerkules, Enero 25.

Kasama ng senador sa naturang event sina Cavite Rep. Jolo Revilla, Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo at ilang local officials.

Ang Super Health Center ay medium version ng isang polyclinic at improved version ng Rural Health Unit.

Noong 2022, sinabi ni Go na nakapag-groundbreaking na sila ng nasa 307 na Super Health Center.

Nasa 322 naman na Super Health Center ang maaaring mabubuksan o i-groundbreaking sa ngayong 2023.

Kabilang sa inaaalok na serbisyo ng Super Health Centers ay ang database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: X-ray and ultrasound), pharmacy at ambulatory surgical unit.

Ang iba pang available services ay ang eye, ear, nose, and throat (EENT) service, oncology centers, physical therapy at rehabilitation center at telemedicine.

Follow SMNI NEWS in Twitter