BABALIK ang K-pop boy group na Super Junior sa Pilipinas ngayong December 17 at 18, 2022.
Batay sa inanunsyo ng PULP Live World, sa SM Mall of Asia Arena idaraos ang concert.
Ang ticket prices range ay magsisimula sa 3,500 pesos – 12,000 pesos.
Sisimulan ang bentahan ng tickets sa November 30, alas dose ng tanghali.
Orihinal na naka-schedule ang concert ng Super Junior sa Pilipinas noong buwan ng Agosto subalit dahil sa hindi makakasama ang 2 members nito na si Eunhyuk bunsod ng pagkamatay ng kanyang ama at si Siwon na nagpositibo sa COVID-19, ginawa na lang nila itong fan meeting para hindi mabigo ang fans.