Superyacht ng pinakamayamang oligarko sa Russia, nakita sa Dubai

Superyacht ng pinakamayamang oligarko sa Russia, nakita sa Dubai

NADAGDAGAN ang nakaparadang mga superyacht ng mayayamang oligarko mula Russia sa daungan ng Dubai.

Ang pinakamayamang oligarko sa Russia na si Vladimir Potanin ay isa sa mga mayayamang indibidwal mula Russia na naglilipat na ng kanyang asset sa Dubai.

Nakita ang superyacht nito na tinatawag na Nirvana at nagkakahalaga ng 300 milyong dolyar sa Emirate.

Nakaparada ito sa tabi ng superyacht ng naka-sanction na Parliamentarian na si Andrei Skoch.

Matatandaan na si Potanin ang pinuno ng pinakamalaking nickel at palladium producer sa mundo at siya rin ang pinakamalaking shareholder ng mining company na Nornickel na mayroong net worth na 30.6 billion dollars.

Kahit na naapektuhan si Potanin ng sanction mula sa Australia at Canada dahil sa malapit na ugnayan sa Kremlin, ang pagiging pinuno ng nickel producing-company ay nakatulong naman sa kanya para maiwasan ang karamihan sa mga sanction na ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter