WALANG dapat ikabahala ang publiko sa suplay ng asukal sa bansa dahil sapat pa ito.
Ito ang tiniyak ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Board Member Pablo Azcona sa panayam ng SMNI News.
Ito’y dahil patapos pa lang aniya, ang milling season at dumating na ang inangkat na asukal ng bansa.
Kaugnay sa mga nakumpiskang ipinuslit na asukal na ilalagay sa mga Kadiwa store, sinabi ni Azcona na pinoproseso pa nila ito at posibleng magagawa ito ngayong Abril o sa Mayo.
Ibebenta naman sa P70 kada kilo ang presyo ng asukal sa mga Kadiwa store.