Suplay ng bigas hanggang sa Marso ng susunod na taon, sasapat—DA

Suplay ng bigas hanggang sa Marso ng susunod na taon, sasapat—DA

MULING binigyang-diin ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng bigas ang bansa hanggang sa Marso ng susunod na taon.

Papalo sa higit 500,000 metriko tonelada ng imported rice ang darating ngayong buwan ng Disyembre hanggang Pebrero ng 2024.

Ito ang inanunsiyo ng DA na magtitiyak ng kasapatan ng suplay ng bigas sa bansa.

Humigit-kumulang 76,000 metric tons ng bigas kasi mula sa Taiwan at India ang inaasahang darating sa bansa ngayong buwan ng Disyembre at sa unang bahagi ng Enero.

Nauna nang nagsimulang dumating ang mga bigas na inangkat ng private sector bilang paghahanda umano sa posibleng epekto ng El Niño phenomenon sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, ayon kay DA Undersecretary Engr. Roger V. Navarro, Officer-in-Charge for Operations, na halos kalahating milyong metric tons ng bigas na inangkat ng pribadong sektor na darating sa pagitan ng Disyembre at unang bahagi ng Pebrero.

“We received reports that around 100,000 tons of imported rice has already arrived in the country. This is part of the 495,000 metric tons committed by import permit holders to Secretary Tiu Laurel,” saad ni Usec. Roger Navarro, Officer-in-Charge for Operations, DA.

Ito aniya ang bilang pagsunod sa kasunduan sa pagitan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. at holders ng rice import permits.

Sinabi ni Navarro, kabuuang 20,000 bags na katumbas ng 1,000 metric tons ng bigas ang naihatid na bago ang araw ng Pasko na unang batch ng 40,000 bags ng bigas na donasyon ng Taiwan.

Sa loob ng huling linggo ng Disyembre at unang bahagi ng Enero, may 75,000 metric tons ng bigas ang darating mula sa India.

Dagdag pa ni Navarro, sa pagdating ng imported rice at dami ng inaani ng mga magsasaka nitong mga nakaraang buwan, magkakaroon ng sapat na suplay ng bigas ang bansa hanggang sa susunod na ani sa Marso.

Nabatid na ang national rice consumption ng bansa ay humigit-kumulang 36,000 metric tons kada araw o humigit-kumulang 1.08 million tons kada buwan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble