POSIBLENG mawawalan na ng suplay ng COVID-19 vaccines donation ang Pilipinas.
Ito’y dahil idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang pagtatapos ng nabanggit na global health emergency ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin.
Aniya, panahon na upang hindi dumipende ang bansa sa mga donasyon lang.
Sinabi rin nito na mainam kung mamadaliin na ng pamahalaan ang pamamahagi ng vaccines.
Samantala iminungkahi rin ni dating Health Sec. Francisco Duque III na pag-aaralan na dapat ng Department of Health (DOH) ang pag-subsidize nito sa mga bakuna.