Suplay ng pagkain sa NCR Plus habang ECQ, di magkukulang —DA

TINIYAK ng Department of Agriculture na may sapat na pagkain at grocery items para sa lahat sa loob ng NCR Plus bubble.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, inatasan na niya ang DA at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na panatilihin ang suplay ng pagkain sa Metro Manila at sa iba pang major urban consumption centers.

 “Early on, we have instructed our DA and Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) regional directors to sustain the continuous transport and delivery of their respective surplus production of vegetables, fishery and livestock products and other basic food commodities to Metro Manila and major urban consumption centers,” ayon kay Dar.

Siniguro rin ni Dar na hindi maaantala ang delivery ng mga produkto at agricultural input tulad ng mga binhi at fertilizer.

“We will also ensure the unhampered movement of farm and fishery products — including seeds, fertilizers, inputs, feeds, veterinary drugs and biologics, and other agri-fishery materials and equipment,” aniya.

Dadag ni Dar, ipapadala ng kagawaran ang Kadiwa on Wheels na may mga surplus product mula Luzon, Visayas, Mindanao sa mga kadiwa outlets at ipa bang pangunahing pamilihan sa Metro Manila kabilang na ang sa cold storage ng Food Terminal Inc. sa Taguig.

Matapos inanunsyo ng Palasyo noong Sabado na isasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila, Laguna, Rizal, Bulacan and Cavite simula March 29 hanggang April 4, iilang mamimili ang nag-panic buying.

Una namang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang dahilan para mag panic buying dahil sapat suplay ng pagkain at grocery items.

“Mga kababayan wag pong magpanic. Hindi ito ang unang karanansan natin sa ECQ… sinisigurado ng DA (Department of Agriculture) at DTI (Department of Trade and Industry) na sapat ang bilihin sa lahat ng ating merkado,” ani Roque.

Base sa alintuntunin ng ipinapatupad na ECQ, mananatiling bukas ang mga tindahan at establisyemento na nag-aalok ng mga essential goods at services tulad ng mga grocery at parmasiya.

(BASAHIN: NCR Plus residents, makatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno —Malacañang)

SMNI NEWS