LUMANTAD ang dating financial officer ng CPP-NPA-NDF na si Tess Veluz at kaniyang kapatid na si Angus Veluz, Huwebes ng umaga para isiwalat ang binaluktot na kasaysayan ng CPP-NPA-NDF sa loob ng mahigit sa limampung taon.
Sa matagal na panahon namayagpag ang Partido Komunista ng Pilipinas sa bansa, ngayon lang naglakas loob para lumantad sa programa ng SMNI na Laban Kasama ang Bayan ang mga magkakapatid na Veluz na maituturing na iilan sa mga naging haligi ng Communist Party of the Philippines (CPP) dahil sa laki ng kontribusyong nagawa ng magkakapatid sa loob ng Partido.
Isa sa sampung magkakapatid na naging miyembro ng kilusan ay si Tess Veluz, kung saan buong tapang nitong inilahad ang kaniyang tungkulin kasabay sa pagbibigay ng impormasyon kung sino ang sumusuporta sa Partido.
“Isa sa mga gawain ko is mangolekta ng financial support from very very high level politician na ang tawag ay rightist. Hindi ko na maestimate pero malaki, kasi over period of six to seven years, at that time wala pang formal way na mangongolekta, so nandiyan yung nangongolekta ako sa mga white collar job employees na symphatetic,” ayon ni Tess Veluz, former CPP-NPA-NDF Financial Officer.
Dagdag pa ni Tess Veluz, minsan na rin siyang ipinadala sa Estados Unidos para makalikom ng pondo na ibibigay sa mga Aquino.
“So pagpunta ko sa New York, konek ako sa Movement for Freedom Philippines, di ko na sasabihin kung sino ang head nun, but you can research, very prominent personality associated with the Aquinos, so naglilikom kami ng funds for the Aquinos, alam mo parang naging kapamilya na eh, mahirap din sa akin na magsalita ng ganito kasi naging kapatid ko na yan,” ayon pa kay Veluz.
Samantala, ibinulgar din ni Tess Veluz ang tao sa likod ng Plaza Miranda bombing kung saan siya mismo ang nakarinig sa plano ng pagpapasabog.
“What was really the story about the Plaza Miranda Bombing, I know who really put the bomb there, kasi narinig ko sa bahay yung usapan at personally kilala ko yung tao na yun, namayapa na rin I don’t know his real name but I call him Dolphy, pasintabi kay real Dolphy, yun ang pinag-uusapan nila, even my Father don’t know anything although ang tatay ko may koneksyon pa rin sa intelligence” dagdag pa niya.
Sa kabilang banda naman, ay masaya si Tess Veluz na lumantad para ituwid ang kasaysayang binaluktot ng CPP-NPA-NDF sa mahigit na 50 taong pamamayagpag nito.