Suporta para kina disqualified Albay Gov. Noel Rosal at Legazpi City Mayor Geraldine Rosal, lumobo

Suporta para kina disqualified Albay Gov. Noel Rosal at Legazpi City Mayor Geraldine Rosal, lumobo

LIBU-libong katao ang nakiisa sa “Dasal para kay Rosal” prayer rally sa Legazpi City kamakailan upang ihayag ang kanilang suporta kay Governor Noel E. Rosal at Legazpi City Mayor Geraldine Rosal.

Bitbit ang mga tarpaulins at banners hiling ng tinatayang 25,000 supporters mula sa iba’t ibang munisipalidad at barangay sa Albay ang “divine intervention” na baliktarin ang disisyon ng COMELEC na i-disqualify sina Governor Noel at Mayor Geraldine Rosal.

Unang dinisqualify ng COMELEC First Division si Governor Rosal noong September 19 habang isang kaparehong desisyon naman ang nilabas ng COMELEC 2nd Division noong October 4 laban kay Mayor Rosal.

Ayon sa COMELEC, disqualified ang dalawa dahil sa pamimigay ng cash assistance habang umiiral pa ang 45-day election ban.

Nagsumite na rin sila ng motion for reconsideration sa COMELEC, at nakahanda ring ipaglaban ang kaso hanggang sa Supreme Court.

Follow SMNI NEWS in Twitter