INANUNSIYO ng Department of Education (DepEd) na pinaigting na nila ang paghahanda para sa mga gurong magsisilbing election workers sa nalalapit na eleksiyon.
Kamakailan ay lumagda ang DepEd sa kasunduan kasama ang COMELEC, Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police.
Kabilang sa mga probisyon ang legal at medikal na tulong, at pagpapanatili ng political neutrality.
Nangako rin ang Integrated Bar of the Philippines na magbibigay ng legal assistance sa mga gurong maaaring maharap sa reklamo habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.