NUMBER 1 uli sa pinakahuling Pulse Asia Survey ang tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte.
Umabot sa 60% ang nakuha ni Bongbong habang 53% ang nakuhang voter preference ni Mayor Sara.
Si VP Leni Robredo, number 2 kay BBM subalit 15% lang ang nakuhang voter preference.
Number 2 naman kay Mayor Sara sa VP survey si Senate President Tito Sotto III sa 24%.
Ngunit ayon kay Atty. Alex Lopez na pambato ng UniTeam sa pagka-alkalde sa lungsod ng Maynila, higit pa ang suporta ng mga tao sa ground sa resulta ng mga pre-election survey.
Lalo na sa Maynila na maraming naniniwala sa panawagan na pagkakaisa ng UniTeam.
‘I think yung survey ngayon although number 1 na sila I think it’s not really reflective of the real sentiments to the people because I believe they will get more votes,’ pahayag ni Lopez.
Pinabulaanan naman ni Lopez na Isko country ang Maynila bilang isa si incumbent Manila Mayor Isko Moreno sa mga kalaban ni BBM sa presidential race.
Lalo na ngayon na may mga isyu ani Atty. Lopez ang Manila City Government kaugnay sa di tamang paggamit sa pondo ng bayan.
‘Hindi po, hindi po totoo yan. Nakita nyo naman ho sa mga surveys at sa pag-iikot po ni BBM na kung gaano kainit ang pagtanggap sa kanya. Noong nakaraan nga 24 km yung motorcade namin na ti-nime namin for 1 hr 50 mins nakaka 3 hrs na kami andoon pa lang kami sa kilometer 5,’ ani Lopez.
Matatandaan na jam packed ang nagdaang pagbisita ni BBM sa Maynila kung saan pinagkaguluhan ng supporters ang motorcade nito.
Ngayong araw, nasa Nueva Ecija ang buong UniTeam kung saan mainit silang tinanggap ng mga taga suporta.
Kasama ng mag-tandem ang kanilang mga senatoriable.
Buong araw naman silang sinamahan ni Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali.
Para naman kay Atty. Lopez, di magtatagal ay babalik din si BBM sa Maynila.
At kung palarin, hindi lang sa Maynila kundi magbabalik ang mga Marcos sa buong bansa para ituloy ang pagbabagong inaasam ng lahat.
‘I think he will be the same visionary, he will be more than his Father. He will have something to prove because they have been much maligned to the past 35 years,’ dagdag ni Lopez.