NAG-COURTESY call si Finland Ambassador to the Philippines Juha Pyykko kay Defense Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Sa kanilang pulong, sinabi ni Faustino na kahit walang pormal na defense relations ang dalawang bansa ay hindi ito pumipigil sa posibleng pagtutulungan nila sa larangan ng depensa at seguridad.
Prayoridad aniya nila na isulong ang pambansang interest alinsunod sa umiiral na foreign policy ng administrasyong Marcos.
Sa panig ni Ambassador Pyykkö, sinabi nito na itutulak ng Finland ang pakikipagtulungan sa Pilipinas sa green technology, energy, digital governance, at education.
Nagkasundo rin ang dalawang opisyal na mapalalim ang relasyon ng Pilipinas at Finland sa mga susunod na panahon.