Suporta sa kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagka-senador, patuloy na lumalawak

Suporta sa kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagka-senador, patuloy na lumalawak

HINDI pa man nagsisimula ang kampanya para sa midterm elections ay marami na sa ating mga kababayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagbigay ng kanilang suporta sa spiritual leader at founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kasunod ito sa pagtakbo ni Pastor Quiboloy sa nalalapit na national at local election sa buwan ng Mayo bilang senador.

Matagal nang advocate ang nation-building ng Butihing Pastor na naka-sentro sa isang layunin—maiangat ang imahe, moralidad, at kinabukasan ng bansang Pilipinas.

Sa National Capital Region (NCR), naimbitahan si Pastor Quiboloy sa isang pagtitipon ng grupong Hugpong Bisaya Association Incorporated sa San Jose, Rodriguez sa lalawigan ng Rizal, Linggo, Enero 19.

Sa mensaheng ipinaabot ng Butihing Pastor— isa-isang idinetalye ng kaniyang representante ang kaniyang mga plataporma at plano na makatutulong sa pag-unlad ng bansa.

Kabilang na riyan ang pagsulong nito sa zero corruption, muling pagbuhay sa death penalty laban sa mga tiwali o korap na mga opisyal ng gobyerno.

Bukod pa diyan, bibigyan din ng prayoridad ni Pastor Quiboloy na matugunan ang problema sa kahirapan, pagkakaroon ng marami at sustainable na trabaho sa pamamagitan ng turismo, pagkakaroon ng National Super Highway System, at ang kaniyang kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad.

Lumawak na nga ang mga nagpahayag ng suporta kay Pastor Quiboloy mula sa iba’t ibang sektor—kaya ang mga nabanggit na mga plataporma at plano anila para sa bansa ang naging dahilan kung bakit patuloy siyang hinahangaan ng mga Pilipino.

Sabi nga ng grupong Hugpong Bisaya Association Incorporated—si Pastor Quiboloy ang halimbawa ng isang lider na may malasakit sa kaniyang kapwa dahil sa mga nabigyan nito ng tulong na walang hinihinging kapalit.

Pagmamahal nito sa bayan—bilang siya anila ang isa sa mga tumitinding laban sa mga kalaban ng estado o ang mga komunista.

“Naniniwala kami na isa sa mga dapat naming ihalal ay ang katulad ni Pastor Quiboloy dahil naniniwala kami na siya ay isang instrumento para matupad ang aming hinahangad na masugpo ang korapsyon sa ating gobyerno.”

“Sa tingin ko parang isang sasakyan lang ‘yan kung ang isang brand new na sasakyan ang gagamitin natin ito ay magbibigay ng tama at tapat na serbisyo which is the same also with our politicians. Dahil naniniwala ako kung sila ay tatakbo para itaguyod ‘yung kanilang personal na ipinaglalaban, ito ay sa tingin kong ay magagawa ng bagong mukha sa politika,” wika ni Harry Dacdac, Chairman, Hugpong Bisaya Association, Inc.

Sawa na anila ang mga Pilipino sa mga lider na wala namang magandang nagawa o inatupag sa bansa kundi ang kanilang personal na interes lamang.

“Totoo po ‘yan dapat lang po talaga na dapat mga bago na ang mga nakaupo. Nagsasawa na po tayo ng paulit-ulit na lang na namumuno diyan sa Kongreso, sa Senado. Pamilya-pamilya na lang, sila-sila na lang ang nakaupo na wala namang nangyayari, wala namang pagbabagong inihahatid. Kaya, kailangan na kailangan talaga ng sambayanang Pilipino ngayon na maghanap ng bagong mukha ng bagong leader na may paninindigan at mayroon ng track record sa pagsasaayos ng komunidad na kanyang ginagalawan,” saad ni Samuel Balibalos, President, Hugpong Bisaya Association, Inc.

Hinikayat nga ng grupong Hugpong Bisaya Association Incorporated ang mga kababayan na magkaisa sa paghahanap ng maayos na lider na mamumuno sa bansa.

“Hindi naman po maitatanggi na talaga ang Pilipinas po ay ay napakayamang bansa. Subalit, dahil nga po sa hindi maayos na pamumuno ng ating mga nakaluklok na leader ay nararapat lamang po talaga na lahat ng Pilipino ay magkaisa na ngayon na maghanap ng leader na tatayo at talagang may track record diyan sa pagsilbi sa serbisyo sa ating pamayanan, sa ating buong bansa at isa rin po sa nakita natin sa ating Pastor na tumatakbo ngayon,” dagdag ni Balibalos.

Sa huli, nagpaabot ng mensahe ang naturang grupo kay Pastor Quiboloy lalo na sa nararanasan nitong political persecution sa ilalim ng administrasyong Marcos.

“Magpakatatag po kayo Pastor dahil marami pong umaasa at naniniwala po sa inyo at sana ay isa ka sa mapagbigyan ng ating mga kababayang Pilipino na maupo para po sa pagbabago ng ating bansa,” ani Balibalos.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble