Suporta sa kapakanan ng IPs, tiniyak ng DND

Suporta sa kapakanan ng IPs, tiniyak ng DND

NAKIISA ang Department of National Defense (DND) sa kauna-unahang State of the Indigenous Cultural Communities/ Indigenous Peoples Address (SIIPA) sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ito ay kasabay ng aktibidad ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na pinamagatang “Indigenous Cultural Communities (ICC)/Indigenous Peoples (IP) Unification with the Government Nation Building”.

Inihayag ni NCIP chairperson Allen Capuyan ang “vulnerability” ng IP communities sa pagpasok ng mga rebolusyonaryong ideolohiya at lider at ang epekto nito sa maayos na pagpapatupad ng Indigenous Peoples’ Rights Act.

Kasabay nito, tiniyak ni Capuyan na ipagkakaloob nila ang lahat ng oportunidad sa IP communities upang matiyak ang kanilang pagkain, lupa at labor security bilang bahagi ng “nation building”.

Samantala, nilagdaan ng NGAs at pribadong sektor ang isang pledge of support at manifesto of peace, unity, and development para sa IPs at kanilang Ancestral Domain.

Follow SMNI NEWS in Twitter