Suporta sa modernisasyon ng PH Navy, tiniyak ng France

Suporta sa modernisasyon ng PH Navy, tiniyak ng France

BUO ang suporta ng France sa modernisasyon ng Philippine Navy.

Ito ang tiniyak ni French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel sa courtesy call kay Philippine Navy Flag-Officer-In-Command Vice Admiral Toribio Adaci, Jr. sa headquarters ng Philippine Navy sa lungsod ng Maynila.

Sa pulong nina Fontanel at Adaci, tinalakay nila ang modernisasyon at pagbili ng kagamitan ng Philippine Navy, potensiyal na ugnayan sa hinaharap sa French companies, technical competence ng French at Philippine Navy personnel at kooperasyon sa defense sector.

Pinasalamatan ni Adaci ang France sa lahat ng tulong at suporta sa Philippine Navy at sa pagkamit ng Pilipinas sa “defense and security objectives.”

Iginiit ni Adaci na ipinapakita sa pagbisita ng French Ambassador ang lumalalim na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at France, at ang pagtataguyod ng kapayapaan, seguridad, at kaunlaran sa Indo-Pacific region.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter