Supplemental budget bilang tugon sa COVID-19, aprubado na

INAPRUBAHAN ng House Committee on Appropriations ang panukalang batas na naglalayon mabigyan ng supplemental budget ang DOH bilang tugon sa COVID-19.

Ngunit imbes na P2 billion pesos na orihinal na nakasaad sa inihaing mga panukala, P1.6B lamang ang inaprubahan ng komite.

Ayon sa national treasury, P1.654B lamang ang available excess fund na maaaring pagkunan ng supplemental budget na manggagaling sa dibidendo.

Bukod pa ito sa P13 billion contingency fund sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act na maaari ring pagkunan ayon kay Budget Usec. Janet Abad.

Maaari rin aniyang i-tap ang P7.5B NDRRM fund bagama’t ito ay inilalaan talaga sa mga kalamidad.

Maaari ring gamitin ang pondo na manggagaling sa PAGCOR na P2b, P420M mula sa PCSO, quick response fund na P81M at DOH savings na P539 million.

Batay sa DOH ng P3.1B ang kanilang kailangang dagdag pondo pambili ng personal protective equipment, MOOE at salaries ng Bureau of Quarantine, at pambili ng 40,000 na test kits.

P1.6-B na supplemental budget para sa DOH, kulang

Posibleng kulangin ang P1.6 billion na supplemental budget na inaprubahan ng Kongreso para labanan ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.

Sa hearing ng House Committee on Appropriations ngayong umaga, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa harap ng mga kongresista na nasa P3.1 billion ang kailangan ng kagawaran para labanan ng virus.

Ayon naman sa National Treasury, kukulangin ang maibibigay nilang supplemental budget dahil aabot lamang sa P1.654 billion ang excessive o available funds na maaaring ilaan para sa coronavirus.

Hindi naman matiyak ng National Treasury kung kailan makukumpleto ang kailangang pondo pero minamadali na ng tanggapan sa ngayon ang pagre-release ng dividends mula sa mga government corporation na maaaring hugutan ng supplemental budget.

Tiniyak naman ng DOH na may iba pa silang paghuhugutan para sa supplemental budget tulad sa PAGCOR, savings ng DOH, PCSO at quick response fund.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.