Supplier ng drone show sa closing ceremony ng 63rd Palarong Pambansa, pinakakasuhan

Supplier ng drone show sa closing ceremony ng 63rd Palarong Pambansa, pinakakasuhan

PINAKAKASUHAN ng Marikina City Government ang kompanyang DroneTech Philippines, ang supplier ng drone show sa closing ceremony ng 63rd Palarong Pambansa.

Ito ay dahil sa maling formation ng bandila ng Pilipinas kung saan pula ang nasa ibabaw at asul ang nasa ibaba.

Ayon sa Marikina LGU, kakasuhan ang Dronetech PH upang madetermina ang mga legal na pananagutan ng kompanya kasama na rin ang mga kalakip na kaparusahan at multa.

Mariing kinondena ng Marikina LGU sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro ang pangyayari.

Naglabas naman ng public apology ang DroneTech Philippines hinggil sa pagkakamali nila sa nasabing drone show.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble