Supporters ng BBM-Sara nagtipon-tipon sa Marble Arch, London

Supporters ng BBM-Sara nagtipon-tipon sa Marble Arch, London

NAGTIPON-TIPON ang BBM-Sara sa Marble Arch, London kung saan ginaganap ang isa sa mga pinakamalaking grand rallies ng BBM-Sara tandem sa United Kingdom.

Matatandaang nagkaroon din ng pagtitipon ang UniTeam supporters sa Tower Bridge, London noong ika-dalawampu ng Marso.

Dahil sa matagumpay ang nasabing pagtitipon, isang mas malaking rally ang inorganisa noong Linggo ika-tatlo ng Abril.

Nagmistulang isang munting bayan ng Pilipinas ang Marble Arch dahil sa dami ng mga Pilipinong dumalo.

Hindi mga lobo kundi mga watawat ng Pilipinas at mga karatulang sumusuporta sa BBM-Sara tandem ang kanilang dala-dala para makiisa sa ginanap na grand rally at maipakita sa lahat ng mga nanood sa kung sino ang kanilang gustong manalo bilang presidente at bise president sa bansang Pilipinas.

Ngayong darating na ika-siyam ng Abril, sa huling pagkakataon ay magtitipon ang BBM-Sara supporters sa isang boating tour kung saan inaasahang mahigit 200 supporters ng UniTeam ang dadalo.

Ito ay gaganapin isang araw bago magsimula ang Overseas Voting sa ika-sampu ng Abril.

BASAHIN: OFWs sa Sweden, nagpakita ng suporta sa BBM-Sara tandem

Follow SMNI NEWS in Twitter