NAGSAGAWA ng victory party ang UniTeam supporters sa Queensland kasunod ng tagumpay ni President Bongbong Marcos at VP Sara Duterte sa nagdaang eleksyon.
Dinaluhan ito ng 220 panauhin na nagmula pa sa iba’t ibang parte ng Queensland (Gold Coast, Sunshine Coast at neighboring cities ng Brisbane).
Ayon kay Ms. Yenney Barker na isang organizer, inaasahan lang nilang dumalo ay nasa 50-60 dahil wala talaga silang organisasyon hanggang sa umabot sa higit 200 ang nagsabi na nais nilang dumalo sa pagtitipon.
Ang pagtitipon ay dinaluhan ng volunteers at performers kabilang ang Gold Coast Filipino Australian Performing Arts Ensemble.
Umaasa naman ang mga dumalo na maipagpapatuloy ng administrasyong Marcos ang mga proyekto ng nagdaang administrasyon gaya na lamang ng Build, Build, Build program.
Nagpaabot din ang mga ito ng pasasalamat kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa mga pagbabago at malaking ambag nito sa bansa na inaasahang pakikinabangan ng mga Pilipino hanggang sa susunod na henerasyon.
Samantala, malaki ang pasasalamat nila kay Pastor Apollo C. Quiboloy para sa pag-aalay nito ng kanyang network para sa nation-building.
Malaki rin ang pagpapasalamat nila dahil hindi raw tinanggihan ng SMNI ang kanilang imbitasyon na makadalo sa BBM-Sara Victory Party (Brisbane Chapter).