NAITALA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang nasa 5,151 na aftershocks sa Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon sa PHIVOLCS, dakong 12 pm ngayong Miyerkules Disyembre 13, nasa 1,291 aftershocks ang tumama at 57 ang naramdaman sa lugar.
Umaabot ang mga aftershock sa magnitude na 1.7 hanggang 6.6.
Matatandaan, tumama rin ang 6.8 magnitude na lindol sa Cagwait, Surigao del Sur noong Disyembre 4.