ARESTADO ang dalawang suspek na sangkot sa pagbebenta ng ilegal na armas sa ikinasang entrapment operations ng mga awtoridad sa Muntinlupa City.
Alas-3 ng madaling araw nitong Disyembre 13, 2024 nang pangunahan ng mga operatiba ng Regional Special Operations Group (RSOG) National Capital Region Police Office (NCRPO) ang operasyon sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.
Narekober mula sa mga susoek ang ilang matataas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng 4 Bushmaster rifles (Caliber 5.56mm), isang DPMS Panther Arm (Caliber 5.56mm), isang M16 upper and lower receiver, isang converted air gun (Caliber .22), assorted gun parts, at ilang rounds ng mga bala.
Pinuri naman ng NCRPO ang mga kapulisan bilang tulay sa pagkakahuli sa mga suspek.
Bukod sa mga arestado, 2 pang suspek ang at large na subject ng kanilang manhunt operations.