SUMUKO na ang suspek sa umano’y ‘bakuna for sale’ scheme kay Mandaluyong Mayor Menchie Abalos at Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr.
Kinilala ang suspek na si Kyle Bonifacio.
Pinabulaan naman ng suspek ang alegasyon at tumangging magbigay ng ibang detalye.
Sinabi ni Bonifacio na ibibigay na lamang niya ang kanyang testimonya sa pulisya.
Una nang nag-isyu ng subpoena ang Philippine National Police (PNP) laban sa suspek.
(BASAHIN: Mahigit 40-K kilo na ginupit na plastic sa Mandaluyong City, gagawing ecobricks)