PATAY ang isang suspek sa isang shootout matapos manlaban sa drug buy-bust operation na pinangasiwaan ng mga otoridad sa Barangay Salunayan, Midsayap, North Cotabato.
Nasakote mula sa nasawing suspek ang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency-Soccsksargen (PDEA-12) spokesperson Kath Abad, kinilala ang nasawing suspek na si Jacky Guimba alias Datu Dipo, 23-taong gulang ng Barangay Pamalian Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.
“Guimba was killed after engaging the joint PDEA and police team in a shootout during the 4:30 pm operaton on Wednesday in Barangay Salunayan of Midsayap town,” ani Abad.
Nakatakas naman ang dalawa pang kasama ni Guimba at ngayon ay kasalukuyang pinaghahanap ng mga otoridad.
“Two other cohorts of Guimba managed to escape and now the subject of a manhunt,” ayon kay Abad.
Nakuha mula sa operasyon ang 500 gramo ng shabu na may tinatayang halaga ng P3.4 milyon, isang motorsiklo, at isang .45-caliber pistol at ang buy-bust money.