Suspek sa nangyaring Ayala-road rage, naaresto na ng mga pulis

Suspek sa nangyaring Ayala-road rage, naaresto na ng mga pulis

NAARESTO na ang primary suspect sa pamamaril sa isang driver sa EDSA-Ayala tunnel sa Makati City, nitong Martes, Mayo 28, 2024.

Pinangunahan ng DILG at PNP ang presentasyon sa naarestong suspek.

Batay sa pag-aaral ng pulisya, road rage ang dahilan ng pamamaril ng suspek na ikinasawi ng biktima.

Ayon sa NCRPO, natukoy nila ang suspek at naaresto sa mismong bahay nito sa Pasig kung saan nakaparada ang ginamit nitong sasakyan kasunod ng ginawa nilang back tracking sa mga pangyayari.

Nakarekober din ang PNP ng isang Taurus Caliber 14 sa bahay ng suspek na ginamit sa pamamaril.

Nag-match umano ang bala sa basyo na nakuha sa loob ng sasakyan ng biktima matapos ang ginagawa ballistic test ng PNP.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong murder laban sa suspek.

Sa CCTV footage na ipinakita sa media, pauwi na umano ang driver ng isang white multi-purpose vehicle (MPV) na may sakay na babaeng pasahero at isang menor de edad nang pagbabarilin siya ng suspek na nasa itim na kotse.

Lumabas na wala naman umano naging komprontasyon na nangyari sa pagitan ng suspek at ng biktima nang mangyari ang pamamaril.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter