IPINANGAKO ni Senator Christopher Bong Go na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mary Anne Daynolo na pinaslang sa Abu Dhabi.
Si Daynola ay nagtatrabaho bilang receptionist ng isang hotel sa Abu Dhabi. Nais nya na matulungan ang kanyang pamilya sa Pilipinas na makaahon sa kahirapan.
Pero nitong March 2020 si Mary Ann ay biglang nawala.
Nangyari ang pagkawala ng dalaga sa kasagsagan ng pandemya.
Nitong isang linggo lamang nang matagpuan ang kanyang bangkay na inilibing sa paligid lang ng hotel.
Pinaslang si Daynola ng suspek sa leeg gamit ang kutsilyo.
Ang pagkamatay nito ay isa sa maraming dahilan kung bakit isinusulong ni Go ang pagtatatag ng Department of Overseas Filipinos.
Sa kasalukuyan ay nakakulong na ang suspek pero hinahanap pa ng mga otoridad ang dalawa pang kasabwat nito.
Tiniyak rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) na bibigyan ng hustisya ang pagpaslang kay Mary Anne Daynolo.