Suspek sa pagpatay ng isang LTO employee, naaresto na—DILG

Suspek sa pagpatay ng isang LTO employee, naaresto na—DILG

NAARESTO na ang suspek sa pagpatay ng manggagawa sa Land Transportation Office (LTO) na si Mercedita Gutierrez.

Hindi na isinapubliko ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pangalan ng suspek at ang rason nito kung bakit pinatay ang LTO employee.

Maisasapubliko lang anila ito pagkatapos sa inquest proceedings.

Naniniwala naman ang DILG na walang kaugnayan sa trabaho ang pagkapaslang kay Gutierrez.

Binaril ang LTO employee bandang K-H street at Kamias Road noong Biyernes, May 24, 2024.

Dinala ito sa East Avenue Medical Center subalit idineklara na rin itong patay kalaunan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter