Suspended BuCor chief Bantag, nangakong haharap sa pagdinig ng DOJ pero may kondisyon-

Suspended BuCor chief Bantag, nangakong haharap sa pagdinig ng DOJ pero may kondisyon-

IGINIIT ni suspended Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag na handa siyang dumalo at humarap nang personal sa idaraos na preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) na itinakda sa November 23 at December 5.

Ito ay kaugnay pa rin sa double murder case matapos siyang isinangkot sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid at sa bilanggo sa New Bilibid Prisons (NBP) na si Jun Villamor.

Gayunman ay sinabi ni Bantag na hihintayin pa rin umano niya ang magiging payo ng kanyang mga abogado.

Naniniwala umano siya na ito naman talaga ang proseso ng batas kaya haharap siya nang personal sa pagdinig ng DOJ kung papayagan siya ng kanyang legal team.

 

Follow SMNI News on Twitter