Suspended BuCor Chief Bantag, sinampahan ng reklamo ng 5 jail guards sa Palawan

Suspended BuCor Chief Bantag, sinampahan ng reklamo ng 5 jail guards sa Palawan

KARAGDAGANG kaso ang kinakaharap ngayon ng suspendidong si Bureau of Correction (BuCor) Chief Gerald Bantag.

Ito ay matapos magsampa ng reklamo laban sa kanya ang limang jail guard ng Iwahig Prison & Penal Farm sa Palawan na umano’y binugbog ni Bantag noong Marso 2022.

Inihain ng 5 jail guards ang mga kasong kriminal laban kay Bantag sa Department of Justice ngayong Biyernes, Enero 20, 2023.

Bukod sa suspended BuCor chief, kasama rin sa sinampahan ng kaso sina Jail Supt. Ricardo Zulueta, BuCor Deputy Director Gabriel Chaclag at 9 na iba pa.

Si Bantag na umano’y mastermind sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid ay nahaharap din sa kasong murder.

 

Follow SMNI News on Twitter