Suspended BuCor Chief Gerald Bantag, hindi aatras sa mga bagong reklamo laban sa kanya

Suspended BuCor Chief Gerald Bantag, hindi aatras sa mga bagong reklamo laban sa kanya

INIHAYAG ni Suspended BuCor Chief Gerald Bantag na haharapin niya sa korte ang lahat ng reklamong inihain laban sa kanya.

Matatandaan na maliban sa murder complaints sa Lapid at Villamor Case, nahaharap si Bantag sa mga bagong reklamo gaya ng torture at serious physical injuries, plunder, graft at malversation na isinampa ni BuCor Acting Chief Gregorio Catapang Jr.

Sa mensaheng ipinadala ni Bantag sa SMNI News, sinabi nitong dahil sila raw ang nakaupo sa gobyerno kaya ginagawa nila ang gusto nilang gawin kahit aniya hindi totoo ang mga akusasyon sa kanya.

“Sa kanila ang government. Ginagawa nila gusto nila gawin kahit hindi totoo. Haharapin ko lahat akusasyun nila sa korte,” ayon kay Bantag.

Dagdag pa nito na dahil takot ang mga ito na makabalik siya sa pwesto pagkatapos ng kaniyang 90 day preventive suspension kaya kung ano-ano lamang na kaso ang inihain laban sa kanya.

‘’Desperate na sila dahil takot na takot na bumalik ako after 90 days kaya kinakasohan ako ng kung ano-ano nalang,’’ saad nito.

Samantala, magpapatuloy araw nang Miyerkules ang Preliminary Investigation (PI) sa DOJ hinggil sa Lapid/Villamor Case.

Ito ay matapos hindi katigan ng DOJ Panel ang Motion for Reconsideration ni Bantag matapos mabasura ang mosyon na mag-inhibit ang DOJ sa imbestigasyon.

Napag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa nakakapaghain ng kontra salaysay si Bantag sa murder complaints na inihain sa kanya.

Follow SMNI NEWS in Twitter