Suspended BuCor chief Gerald Bantag, patuloy na pinaghahanap ng pulisya

Suspended BuCor chief Gerald Bantag, patuloy na pinaghahanap ng pulisya

PATULOY na hinahanap ng Philippine National Police (PNP) ang suspendidong si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag at iba pang personalidad na kinasuhan sa pagkamatay ng brodkaster na si Percy Lapid.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nakikipag-ugnayan na sila sa Baguio City Police Office upang matunton si Bantag.

Lumalabas aniya na sa lungsod huling nagpaunlak ng panayam si Bantag.

Nabatid na bago pa lumabas ang subpoena ay puspusan na ang pulisya sa pagtunton dito.

Muli ring nanawagan ang PNP sa iba pang nadadawit sa krimen na lumantad at makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.

 

Follow SMNI News on Twitter