Suspended BuCor Chief Gerald Bantag, walang magiging special treatment bagama’t bibigyan ng seguridad ng PNP

Suspended BuCor Chief Gerald Bantag, walang magiging special treatment bagama’t bibigyan ng seguridad ng PNP

WALANG magiging special treatment ang Philippine National Police (PNP) sa suspendidong si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag na nadadawit sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.

Ito ang nilinaw ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo bagama’t handa silang bigyan ng seguridad si Bantag matapos tuluyang alisan ng security aide.

Ayon kay Fajardo, ang seguridad na ibibigay nila kay Bantag sakaling lumutang ito ay katulad lamang ng seguridad na ibinibigay nila sa mga nangangailangan nito.

Hinimok naman nina Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. at PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. si Bantag at iba pang personalidad na makipagtulungan sa preliminary investigation.

Pagkakataon aniya ito ni Bantag na masagot ang mga mahahalagang katanungan sa kaso ni Lapid bilang bahagi ng due process.

Samantala, tiniyak ng PNP na aktibo silang makikipagtulungan sa Department of Justice (DOJ) upang makamit ng pamilya ni Lapid ang hinihinging hustisya.

 

Follow SMNI News on Twitter