NANINDIGAN si suspended Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag na hindi siya susuko matapos siyang isinangkot sa pagpatay kay Percy Lapid.
Iginiit pa ni Bantag na hanggat nasa pwesto si Justice Secretary Crispin Remulla ay hindi siya susuko kahit pa maisyuhan siya ng warrant of arrest.
Isinalarawan ni Bantag na si Remulla aniya ay isang magaling na pulitiko na mahusay magmanipula tulad ng ginagawa sa kanya.
Ipinaliwanag din ni Bantag na lahat ng sindikato sa loob ng New Bilibid Prisons ay galit sa kanya, maging ang inmate na si Denver Mayores ay may galit din sa kanya dahil pinatapon niya ito sa Iwahig Penal Colony sa Palawan.