Suspended LTFRB chief Guadiz, cleared sa korapsiyon

Suspended LTFRB chief Guadiz, cleared sa korapsiyon

GUMAAN ang loob ni suspended Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III matapos “cleared” na ito sa isyu ng korapsiyon sa kanilang ahensiya.

Sa naging hearing kamakailan ng House Committee on Transportation, nai-cite in contempt ang nag-akusa kay Guadiz na si dating LTFRB Jeffrey Tumbado dahil bigo itong mapatunayan ang sinasabi niyang korapsiyon.

Pinangunahan ni Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta ang nabanggit na hakbang dahil paulit-ulit lang naman na sinabi ni Tumbado na wala pala siyang personal na kaalaman sa kaniyang isiniwalat.

Bago naman ang committee hearing sa Kamara ay binawi na ni Tumbado ang kaniyang alegasyon sa LTFRB.

Matapos din ang pagbaliktad ni Tumbado ay ipinanawagan na ng pitong major transport groups kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ibalik bilang chairman ng LTFRB si Guadiz.

Samantala, maliban kay Guadiz ay idinawit din ni Tumbado si Department of Transportation Secretary Jaime Bautista sa kaniyang walang basehang akusasyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter