NANANATILING positibo si Mayor Jonas Cortes at determinado sa pagbabalik serbisyo publiko sa kabila ng ipinataw na suspensiyon sa kaniya ng Ombudsman.
Naniniwala ito na ang sitwasyon ay nagbigay sa kaniya ng mas maraming oras upang makipag-ugnayan sa mga mamamayan.
“While me, being suspended, I have more time to engage with the people and assist the different problems in different communities. It’s really fulfilling to address these problems. So that’s the positive side of this situation,” saad ni Jonas Cortes, Suspended Mandaue City Mayor
Ang kaniyang suspensiyon ay kaugnay sa pagkakatalaga ni Camilo Basaca bilang officer-in-charge ng City Social Welfare Services (CSWS) noong 2022 kung saan ito ay itinuturing na “grave misconduct” ng Ombudsman.
Una nang ipinaliwanag ni Cortes na ginawa niya ang naturang appointment nang may mabuting intensiyon at ayon sa pangangailangan ng serbisyo para sa mga taga-Mandaue.
Sa open line news forum na ginanap sa Cebu City, ipinahayag ng suspended mayor na ang kaniyang suspensiyon ay nagbigay ng pagkakataon upang mas mapalapit sa mga tao at mas direktang makatulong sa kanilang mga pangangailangan.
“Turning lemons into lemonade. If you weigh the advantage, it is far more greater than the disadvantage,” dagdag ni Cortes.
Bagama’t nahaharap sa alegasyon dahil sa maling pagtatalaga, buo ang tiwala ni Cortes sa suporta ng mga taga-Mandaue at naniniwala siyang walang epekto ang suspensiyon sa kaniyang adbokasiya para sa patuloy na pag-unlad ng lungsod ng Mandaue.