Susunod na NCRPO chief, dapat hindi malamya – MGen. Danao

Susunod na NCRPO chief, dapat hindi malamya – MGen. Danao

ILANG araw mula ngayon ay maaari nang iwan ni NCRPO Chief Police Major General Vicente Danao Jr. ang National Capital Region Police Office.

Ayon kay PMGen. Vicente Dupa Danao Jr. na kung sino man ang papalit sa kanya ay sana maipagpatuloy nito ang magagandang programang nasimulan niya.

Kinumpirma mismo ni General Danao sa SMNI News ang aplikasyon nito sa mas mataas na posisyon sa PNP bukod sa pagiging NCRPO chief nito.

“Actually, I’m applying for a higher position. Para magkaroon naman ng challenging na trabaho,” wika ni Danao

Bagamat wala pa mang eksaktong detalye, sa kanyang pagriretiro,  nag-iwan na ito ng mga paalala sa kanyang mga kasamahan sa serbisyo sa loob ng kanilang samahan.

Partikular na sa mga kinasasangkutang bisyo na walang magandang dulot sa organisasyon.

“Let us impose self-discipline upon ourselves,” saad pa ni Danao.

Kaugnay ito sa paglaganap ng e-sabong sa bansa kung saan  marami na aniya ang buhay na naisasakripisyo dito kasama na ang trabaho, sahod at benepisyo ng iilang mga pulis.

Isa lamang ito sa mga nais baguhin at ipaunawa sa mga kasamahan nito at maging sa susunod na liderato.

Para sa iilan na nakasama ni Danao, mahirap man anila na iwanan ng isang matapang at may malasakit sa organisasyon, wala silang magagawa kundi ang tanggapin ito.

Para kay Danao, sa loob ng isang taong panunungkulan nito sa NCRPO, naniniwala siya na naging tahimik at maayos ang buong NCR sa ilalim nito partikular na sa mga kampanya kontra kriminalidad, iligal na droga, iregularidad sa kanilang hanay at insurhensiya.

“Napanatili nating matiwasay,” dagdag pa nito.

Follow SMNI News on Twitter