Dapat hindi alipin ng promosyon at politika—ito ang inaasahan ng isang dating opisyal ng pamahalaan sa nakatakdang papalit kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na magreretiro sa Pebrero.
To serve and to protect—ito ang pangunahing mandato ng Pambansang Pulisya na sinusunod ng organisasyon mula sa pagkakatatag nito hanggang sa kasalukuyan.
Ngunit aminado ang marami na tila hindi na ito nararamdaman dahil sa pagkakasangkot ng maraming pulis sa iba’t ibang uri ng kriminalidad at ilegal na mga aktibidad partikular na sa ilegal na droga, pang-aabuso sa kapangyarihan, kidnapping, robbery extortion, at marami pang iba.
Kaya naman, sa nakatakdang pagtatapos ng termino ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil, isa sa mga inaasahan na pagbabago sa PNP ang may maupo na hindi alipin ng politika.
Dahil dito, nakokompromiso ang dapat na mandato ng kapulisan sa mga komunidad sa bansa dahil may sinusunod itong utos ng politiko kahit alam nilang mali o may anomalya rito.
“Alam kung tatanungin mo ako. Unahin na natin ‘yung pagri-reject ng ating political system at pang ating practice ng sobra nang pang-aabuso ang nangyayari sa ating political system kung hindi aalisin ‘yan nakakaawa naman ‘yung mga professional na gustong gawin ang tama pero kailangang sumunod kasi ang iniisip ng marami diyan kung ako eh baka lalong masama o pagtitiisan o na ito may mga utos ako pagbibigyan ko mayroon akong utos na hindi pagbibigyan,” saad ni Atty. Norberto Gonzales, Former Defense Chief.
Lalo na aniya ang dapat na ang mamuno sa Pambansang Pulisya ay hindi alipin ng promosyon.
Isa sa ginawang halimbawa ng dating defense secretary ang nangyaring marahas na pagkubkob sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Religious Compound sa Davao City o mas kilala bilang KOJC siege. Ani Gonzales, alam niyang politika ang nasa likod ng ginawang pang-aabuso ng mga pulis sa mga miyembro ng KOJC at paglapastangan sa mga ari-arian at sagradong lugar nito.
“’Yung nangyaring siege sa Davao pinagbigyan at nakita nating lumalabas na ang namuno doon ay may ambisyong mas mataas na tingin niya kapag lalo siyang gumawa ng mga hindi karapat-dapat at baka mali basta nagugustuhan ng nasa taas ay mapromote siya. ‘Yan ang masama, nakikita ko ‘yan.”
“Ideally speaking dapat ang pulis ay hindi sumusunod sa ganoong order, there are unlawful orders na nangyayari ngayong because of partisan politics, dapat hindi pero ‘pag hindi ka naman sumunod tanggal ka eh,” ani Gonzales.
Para kay Gonzales, dapat pag-aralan nang mabuti lalo na ng pangulo ang pagpili sa susunod na pinuno ng Pambansang Pulisya at maibalik ang tunay na tiwala ng publiko sa mga kapulisan.
“Isa sa pinakaimpormate sa mamamayan,..ang police force natin maraming chismis tungkol diyan sa ngayon kaya mahirap masabi kaya maganda magkaroon tayo ng isang pulis na reformist at ‘yung tinitingnan ay ‘yung common good at ‘yung kapakanan ng ating mga makababayan na they will feel safe and protected ‘yun ang kailangang siguro,” giit ni Gonzales.
Paglaganap ng iba’t ibang krimen at ilegal na droga sa bansa, hudyat na pabagsak na ang administrasyon—Former Defense Chief
Sa kabilang banda, naniniwala rin si Gonzales na patuloy pa rin ang paglaganap ng kriminalidad at ilegal na droga sa bansa.
Naniniwala siya na hudyat ito na pabagsak na ang gobyerno.
“Indikasyon na nagbibreakdown ang leadership ng body politics. It’s about time for change,” ani Gonzales.
Sa darating na Pebrero, nakatakdang magretiro si Gen. Marbil at inaasahang mapapalitan ito sa puwesto sa lalong madaling panahon.
Subalit nauna nang kumalat ang posiblidad ng pagpapalawig sa termino nito hanggang sa pagtatapos ng midterm elections sa Mayo.