Susunod na prime minister ng France, pinangalanan na

Susunod na prime minister ng France, pinangalanan na

PINANGALANAN na ni French President Emmanuel Macron ang susunod na magiging prime minister ng France.

Si Gabriel Attal na 34 taong gulang ang lilikha ng kasaysayan ng France bilang pinakabatang prime minister ng bansa.

Si Attal ay kasalukuyang Education Minister at papalitan nito si Prime Minister Elisabeth Borne na nagretiro matapos ang 20 buwan sa puwesto.

Matatandaan na sa kasaysayan ng France, ang pinakabatang prime minister ay ang socialist na si Laurent Fabius na 37 taong gulang nang italaga ni Francois Mitterand noong 1984.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble