Suvarnabhumi Airport sa Thailand, umabot sa 200% ang traffic increase

Suvarnabhumi Airport sa Thailand, umabot sa 200% ang traffic increase

AABOT sa 200% ang itinaas ng traffic ng isang airport sa Thailand.

Ayon sa leading airport operator ng bansa, tumaas ng 200% ang traffic ng paliparan o katumbas ng higit 17 milyong mga pasaherong dagdag kumpara noong nakaraang taon.

Sa inilabas na datos nito sa kalagitnaan ng buwan ng Oktubre at Agosto sa taong 2021 nasa 168,421 flights lang ang nafacilitate nito o katumbas sa 58.36% increase.

Paliwanag naman ng director ng Suvarnabhumi Airport na si Kittipong Kittikachorn, hindi siya makapaniwala sa nangyari ngayong taon dahil na rin sa pananalasa ng pandemya sa bansa.

Samantala, magpapatupad ngayon ng development plan phase 2 ang nasabing paliparan sa Thailand upang ma-accommodate ang mga pasahero.

Follow SMNI NEWS in Twitter