Swab Testing Centers, proyekto ng Quezon City laban COVID-19

Pagpapatayo ng swab testing centers sa halos lahat ng barangay at pamamahagi ng hygiene kits ang mga hakbang ng Quezon city sa paglaban kontra COVID-19. 

Sa panayam ng Sonshine Radio, ibinahagi ni District 2 Councilor Candy Medina na katuwang si Mayor Joy Belmonte sa naging inisyatibo na ito.

Ibinahagi din nito bilang konsehal sa District 2, namigay ang councilor ng food carts sa mga solo parent at mountain bikes para sa mga nagtatrabaho sa ibang lugar bilang ayuda sa gitna ng pandemya.

Positibo naman si Councilor Medina na malalampasan ng Quezon City ang tumataas na bilang ng COVID-19 sa lugar subalit binigyang-diin lang nito na sana’y striktong susunod ang mga residente sa health protocols upang makatulong sa pagpigil ng pagkalat ng virus.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.