Sylvia Sanchez, dumalo sa MIPCOM Cannes 2022 sa France bilang isang producer sa series na ‘Cattleya Killer’

Sylvia Sanchez, dumalo sa MIPCOM Cannes 2022 sa France bilang isang producer sa series na ‘Cattleya Killer’

LUMIPAD patungong France ang Filipina actress and comedian na si Sylvia Sanchez upang dumalo sa MIPCOM Cannes 2022 o ang 38th International Coproduction and Entertainment Content Market, hindi lamang bilang isang supportive mom sa anak nitong si Arjo Atayde, kundi bilang co-producer ng isang psychological thriller series na ‘Cattleya Killer.’

Si Sanchez ay isa sa mga co-producers, sa ilalim ng kanyang Nathan Studios, ng seryeng tampok ang kanyang anak na si Arjo Atayde.

Ayon sa veteran actress, ayaw niyang maging artista lamang sa buong buhay niya kaya naman bumuo ito ng kanyang sariling production company na tinatawag na Nathan Studios.

Kabilang sa itinatampok ng Nathan Studios ay ang pelikulang X Factor, Topakk at Cattleya Killer.

Follow SMNI NEWS in Twitter