NASAWI ang 12 Lebanese rescue workers kasunod ang pag-atake ng Israel nitong Huwebes, Nobyembre 14, 2024 sa Baalbek City.
Para sa Health Ministry ng Lebanon, ‘barbaric’ ang ginawa lalo na’t ikalawang health facility na itong inatake ng Israel sa loob ng dalawang oras.
Sa kaparehong araw ay nauna nang inatake ng Israel ang Qudsaya, Syria na ikinasawi naman ng 15 katao.
Ang kaguluhan sa Middle East ay nag-umpisa noong Oktubre 2023 sa pagitan ng Israel at Hamas militant group ng Palestine.
Lumawak na ito sa kasalukuyan kung saan kasali na ang Lebanon at Syria.
Ang Yemen ay nakikisimpatiya rin sa Hamas.