Syudad sa Japan, nawala ang memory drive na naglalaman ng datos ng 460,000 residente

Syudad sa Japan, nawala ang memory drive na naglalaman ng datos ng 460,000 residente

NAWALA ng Western City na Amagasaki sa Japan ang USB Flash Drive na naglalaman ng personal na impormasyon ng aabot sa 460K residente nito.

Kabilang sa nawalang datos ay ang pangalan, address, panahon ng kapanganakan at bank account numbers ng mga kabahayan na tumatanggap ng tulong sa gobyerno.

Samantala, wala pa namang ebidensya na nagkaroon ng leakage sa datos na nawala.

Nawala ang nasabing flash drive matapos ang isang empleyado ng kumpanya na tumutulong sa rollout ng vaccination drive ng syudad ay nawala ang bag na laman ito.

Iniulat ng empleyado sa pulisya ang pangyayari at siniguro na ang datos na nawala ay mayroong password.

Follow SMNI NEWS in Twitter