Taas-pasahe ng LRT-1 at LRT-2, hindi pa pinal –LRTA

Taas-pasahe ng LRT-1 at LRT-2, hindi pa pinal –LRTA

NAGBIGAY ng paglilinaw ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ukol sa ulat na umano’y pag-apruba ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa taas-pasahe ng LRT-1 at LRT-2.

Sa isang pahayag, nilinaw ng LRTA na hindi pa aprubado at dadaan pa sa tamang proseso ang panukalang P2.29 na dagdag-pasahe para sa 2 linya ng tren.

Ayon sa LRTA, isa lamang sa 9 na miyembro ng LRTA Board of Directors ang LTFRB.

Dagdag pa ng LRTA, ang fare increase ay dapat aprubahan ng LRTA Board of Directors at dapat ding dumaan sa kinakailangang regulatory process kabilang ang public consultation at hearing.

Simula pa 2015, sinabi ng ahensya na ang kasalukuyang boarding fare sa LRT-1 at 2 ay P11 at ang distance fare ay P1 kada kilometro.

Follow SMNI NEWS in Twitter