Taas presyo ng produktong petrolyo, epektibo na ngayong araw

Taas presyo ng produktong petrolyo, epektibo na ngayong araw

ABISO sa ating mga motorista! Magpapatupad ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula ngayong Martes, Enero a-siyete.

Sa abiso ng Shell Pilipinas, Seaoil at Caltex, tataas ng piso ang kada litro ng gasolina at kerosene.

Habang piso at apatnapung sentimos naman ang dagdag-presyo sa diesel.

May kaparehong ding price adjustment sa gasolina at diesel ang Cleanfuel at iba pang kumpanya ng langis.

Epektibo ang naturang taas-presyo bukas ng alas-sais ng umaga maliban sa Cleanfuel na alas-kwatro uno ng hapon.

Ito naman ang kauna-unahang oil price hike ngayong bagong taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble