UMAAPELA ngayon ang Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) sa Department of Trade and Industry (DTI) ng taas presyo para sa kanilang produktong tinapay.
Ayon sa PhilBaking, nagmahal ang trigo na binibili sa ibang bansa maging ang pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.
Isinusulong nilang taasan ng P2.50 ang bawat pack ng Pinoy pandesal habang P4.50 naman para sa Pinoy Tasty.
Sinabi ni PhilBaking President Johnlu Koa, nakadepende ang kanilang presyo sa pandaigdigang merkado dahil walang sariling trigo ang bansa.
Tugon naman ng DTI, P1 hanggang P2 lamang ang aaprubahan nilang taas presyo sa nasabing produkto upang hindi mabigatan ang kanilang mga konsumer.