Taas-sahod sa gov’t employees, tiniyak ng DBM sa 2023

Taas-sahod sa gov’t employees, tiniyak ng DBM sa 2023

TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na may taas-sahod ng mga kawani ng pamahalaan sa susunod na taon.

Kasunod ito sa panawagan ng ilang grupo mula sa public sector na itaas sa P33,000 kada buwan ang minimum salary ng mga kawani ng gobyerno.

Sinabi rin ng DBM na dapat isagawa sa pamamagitan ng legislative measure ang karagdagang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa gobyerno.

Inilahad din ng DBM na sa 2023 National Expenditure Program (NEP), naglaan ito ng P47-M budget para suportahan ang pag-aaral sa government compensation structure ng iba’t ibang national government agencies sa ilalim ng Governance Commission for GOCCs (GCG).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter