Taas-singil ng Manila Water at Maynilad, epektibo na

Taas-singil ng Manila Water at Maynilad, epektibo na

EPEKTIBO na simula Enero 1, 2025 ang taas-singil ng Manila Water at Maynilad.

Para sa consumers ng Manila Water na nasa ilalim ng ‘lifeline rate’, may dagdag nang P2.87 ang kanilang monthly water bills.

Ibig sabihin, nasa P91.40 ang dagdag sa mga kumukunsumo ng 10 cubic meters.

Sa regular consumers, nasa P24.68 ang increase kung kaya’t ang magiging monthly bills nila ay nasa P254.83 na kumpara sa P230.15 simula Enero 2025.

Sa mga kumukunsumo ng 20 cubic meters, magiging P563.46 na ang kanilang bills.

Sa mga kumukunsumo ng 30 cubic meters, aabot na sa P1,148.73 ang kanilang bills.

Samantala, ang low-income households na kumukunsumo ng 10 cubic meters sa ilalim ng Maynilad, aabot na sa P151.04 ang kanilang monthly bills mula sa kasalukuyang rate na P140.48.

Sa regular residential households, aabot na sa P181.59 na ang kanilang bills.

Sa mga kumukunsumo ng 20 cubic meters, mula sa P606.78 ay magiging P682.66 na ito.

Sa mga kumukunsumo ng 30 cubic meters, aabot na sa P1,394.69 ang kanilang monthly bills.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble