Taas-singil ng mga bayarin ng stakeholders sa paliparan, kinumpirma ng MIAA

Taas-singil ng mga bayarin ng stakeholders sa paliparan, kinumpirma ng MIAA

SIGURADONG tataas na ang mga bayarin ng mga airport stakeholders sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kapag nagtake over na ang bagong consortium na pamumunuan ng New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) ngayong darating na Setyembre.

Sinabi ni MIAA General Manager Eric Jose Ines na bago pa man siya umupo sa puwesto ay pinag-aralan na ang naturang pagtaas ng rates.

“Well sa akin nanggaling pero ito ay pinag-aralan dati noong wala pa ako dito, pinagaralan nila na itaaas ang rates ng airport charges from rent, landing and takeoff, navigational ‘yung mga parking fees, lahat,” saad ni Eric Jose Ines, General Manager, MIAA.

Aminado rin si Ines na umaapela rin ang airlines na ibaba nang kaunti ang singil sa fees partikular na dito ang Revised Administrative Order No. 1, Series of 2000 ng MIAA na nagtatakda ng taas-singil ng mga bayarin gaya ng paggamit ng kanilang serbisyo, pasilidad at equipment.

“Kasamayan sa agreement, pinaguusapan na nila ngayon sa kasalukuyan, tapos iyan pag napag-aralan nayan, sinubmit na sa Office of President tapos titingnan kung aaprubahan ng cabinet kung itutuloy ang pagtaas ng mga rates sa buong airport,” dagdag ni Ines.

Hindi pa tukoy ang halaga ng itataas sa mga bayarin sa aiport dahil nakapende ito sa pag-apruba ng cabinet.

Nang tanungin kung tataas na rin ba ang presyo ng air tickets sakaling maipatupad na ang pagtaas ng mga fee ng stakeholders – ito naman ang sagot ng opisyal.

“Depende nga sa airline ‘yun on how they will take it and how they balance it, but this is subject to the cabinet approval” ani Ines.

Paliwanag din ni Ines kung bakit kailangan itaas ang singil ay dahil matagal na rin kasi hindi nakapagtaas ng rates ang MIAA sa mga airlines simula pa noong 2000 kayat naisipan na itong dagdagan ang singil.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble