PINAGTULUNGAN ng mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement (SPM) ang paglilinis at pagbubunot ng mga damo sa tabing-ilog ng Brgy. Macabling, Sta. Rosa, Laguna.
Matagal nang problema ng mga residente ng Brgy. Macabling ang nakatambad na mga basurang nagdudulot ng pagbabara sa mga kanal, na isa sa pangunahing dahilan ng pagbaha sa lugar.
Dahil dito, napili ng SPM ang nasabing barangay para sa tuloy-tuloy nitong programa na “Kalinisan: Tatag ng Bayan” na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa mas malinis at maayos na kapaligiran.
Bukod sa paglilinis, tinanggal din ng mga volunteer ang mga nagtataasang damo para maging mas maaliwalas ang paligid.
Sa kabila ng tirik na araw at pagod, nananatiling masigasig ang mga volunteer sa kanilang pakikilahok sa clean-up drive upang makamit ang malinis, maayos at maunlad na komunidad.
Ayon sa mga residente, madalas bahain ang kanilang lugar lalo na kapag may malalakas na bagyo. Umaabot pa anila ang tubig-baha hanggang tuhod o leeg dahil malapit lang ang kanilang komunidad sa tabing-ilog.
Binigyang-diin naman ng isang opisyal ng barangay na mahalagang matutukan ang pagtuturo sa mga residente tungkol sa kahalagahan ng kalinisan at pagkakaroon ng disiplina para mapanatili ang kaayusan sa kanilang lugar.
Ang ganitong mga programa tulad ng cleanliness drive at tree planting activity na inisyatibo ni Pastor Apollo ay patunay ng kaniyang malasakit sa kalikasan at bayan.
#KalinisanTatagNgBayan
#OneTreeOneNation
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal